navigation

SITWASYON NG IMIGRANTE SA CANADA

  • Naitalang Philippine Statistics Authority na umabot sa halos 2.2 milyon ang bilang ng mga lumilipat na ng ibang bansa o overseas Filipino workers (OFWs) noong 2016, at patuloy na lumalaki ang bilang. Ayon kay Danica Ortiz, Ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa ay tinatawag na migrasyon. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o pag-lipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Maraming dahilan kung bakit nangingibang-bansa ang mga Pilipino, ang pangunahing dahilan ay ang kahirapan ng bansa. Marami tayong nakikitang Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa para kumita ng malaking halaga na hindi nararansanan sa Pilipinas. Kabilang dito ang mga kabuhayan, tirahan, edukasyon, oportunidad atmarami pang iba pang sanhi ng mga sakuna sa kanilang pinanggalingan. Ang migrasyon ay hindi lamang nangyayari sa ibang bansa sa karagdagan dahil ay sa rehiyon o lugar na pinaglilipatan ng mga tao.

    Isa sa pinaka tinatamasa na tirhan at pinipili mag trabaho ng mga Pilipino na bansa ngayong panahon ay ang Canada. Halos makikita at napapansin natin ngayon madami nag tratrabahong mga kapwang Pilipino sa canada ngayon, ngunit bakit nga ba? Ano nga ba ang naging kalagayan nila doon noong simula nanirahan at tuluyan nag migrsayon sila doon? Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko, ngunit ang umiibabaw ay noon kasagsagan ng pandemya. Ano o paano ang naging takbo ng buhay nila doon noong pandemya kumpara sa nababalitaan nila dito sa pilipinas.

    “Ang Canada ay ikinokonsidera na tahanan ng higit 900,000 na mga Pilipino, at maaari ko bang sabihin na may karanasan ako sa mga istorya na sinasabi ng mga tao sa akin na sila ay naging bahagi ng lipunan at ng workforce so smoothly,” ani Marcos Jr.

    Ngunit marami nga nag nanais lumipat sa canada dahil sa malaking sahod, humahangad ng maayos na pamumuhay, at humahangad rin ng maayos na pamamalakad ng gobyerno. Bagkus, marami rin hindi natatapos ang mga lakarin nila sa pag-ayos ng papel sa kadahilanan hindi kinakaya ang mahabang proseso at nagkukulang sa budget.

    Gayunpaman, nakita rin natin kung paano tayo pahalagan ng mga gobyernno at naka pwesto sa pinaka mataas na posisyon sa gobyerno noong pandemya. Maraming kabuluhan ang nangyari tulad ng kurakot, presidente na hindi agad-agad umaaksyon, mga health-workers na hindi nabibigyan o binibigay yung kaaya-ayang sweldo, bigayan ng ayuda (may kurakot), pag-soot ng facemask at faceshield, lockdown, at marami pang iba.

    Kinumusta ko ang aking kamag-anak na pinili sa canada lumipat. Narito ang aking ilang ginawang mga tanong para malinawagan at marinig ko ang opinyon niya tungkol sa pag migrate niya sa canada at pinaka-importante ay ang karanasan niya noong pandemya habang naninirahan siya sa canada. May mga ilang katanungan na kanilang sasagutin at bibigyang kahulugan.

    Mga katanungan:

    1. Sa daming bansa pwedeng lipatan, bakit canada ang iyong napili?
    2. Ano ang naging kalagayan ng pamilya nyo noon pandemya?
    3. Ano yung naging trabaho at naging sapat ba ang sahod sainyo ng pamilya noon pandemya? Ipaliwanag.
    4. Kumusta ang pamamalakd ng gobyerno nyo noon pandemya at lockdown sa bansang Canada kumpara sa Pilipinas
    5. Sa mga nakalipas na taon, simula noon pandemya, anong pagbabago ang iyong nasaksihan?

    “Napili ko ang ang bansang ito sa kadahilangang ang aking tatay ay nagtatrabaho sa Canada at sa halip na magkalayo kami sa isa’t isa ninais nya na sa bansang Canada niya na lang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Sa kasagsagan ng pandemya hindi naging mahirap ang aming naging sitwasyon dulot ng pas-pasang suporta ng gobyerno dito sa Canada, mga ayuda sa pamilya dulot ng sitwasyon at mga subsidiya sa bawat pamilya at bawat persona. Sa kalagitnaan ng pandemya nagkaroon ng aberya dahil sa dumarami ang establisimiyentong nagsasara at sa kakulangan ng tao sa mga bukas na pasilidad resulta ng pandemya. Ngunit ang sahod ay naging sapat sa pamilya dahil sa malaking pinansyal na tulong ng gobyerno sa bawat pamilya. Naging maayos ang naging pamamalakad ng gobyerno dito sa canda dahil sa agarang pagsuporta ng bansa sa mga taong nasasakupan neto at pamimigay ng mga subsidiya hindi lang sa mga tao kundi sa mga pasilidad na bukas at paglalaan ng pansin ng gobyerno sa mga sitwasyon na kung saan magdudulot ng malaking pinasala kinalaunan sa bansa. Walang pamilyang naghirapan sa nasabing pandemya, maliban na lamang sa mga taong nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.”

    “Ang pamumuhay at pangkabuhayan ng mga tao sa bansang Canada ay muling nanumbalik dahil sa mga aksyon at pamamalakad na isinulong ng gobyerno, hindi lang iyan ang kanilang nagawa kundi naisaayos at napa-ginhawa ng gobyerno ang mga sitwasyong kahaharapin ng mga tao sa komunidad, kagaya na lamang ng opsyunal na pag lalagay ng facemask, dahil sa dami ng porsyento mga taong pabor at hindi pabor sa nasabing sitwasyon at isa pa ang panunumbalik ng mga establisimiyento sa patuloy na pamamalakad na nagresulta ng pagdami ng trabahador.”

    image
    image
    image
    image
    image
    • Jednor Adriel P. Matitu
  • &. lilac theme by seyche